Monday, September 15, 2008

Bakit?

Ikaw ang laging naiisip,
Sa panaginip ko'y di maalis-alis,
Laging bumabalik,
Paikot-ikot, nagliliwaliw.

Ilang taon narin ang nagdaan,
Nang huli nating nakita ang isa't isa,
Nagtapos lahat sa isang tampuhan,
Ano pa nga't nauwi din sa wala.

Nagsimula sa magandang pagtitinginan,
Ngutin umuwing luhaan,
Hindi parin mawari,
Ang dahilan ng hidwaan sa isa't isa.

Sa ganda ng pinagsamahan,
Aakalin walang hadlang,
Ngunit sa isang iglap,
Lumayo't sinabing nanlamig ka't mas magandang magkaibigan na lamang.

Sinubukan ko ang lahat,
Binago ang dapat,
Ngunit nasubukan na't lahat,
Ako'y tuluyang iniwan at di na binalikan.

Kailan?
Kailan ko ba malalaman ang tunay na nararamdaman?
Tandaan, kaya kong maghintay,
Basta't pangako'y iyong pang hawakan,
Na sasabihin ang tunay na dahilan ng 'yong paglisan.

No comments: